Linggo, Setyembre 22, 2013

Pag-aaral Sa Gitna ng Paglalakbay

Lahat tayo ay may iba't ibang interpretasyon o pagpapaliwanag pagdating sa mga bagay-bagay. Bawat araw maraming tayong natutunan sa kabila ng mga pangyayari matapos nating pagdaanan. Pero bago ko ituloy ang aking pagkukwento, nais ko munang pasalamatan ang aming propesor na si Ms. Thelma V. Villaflores sa pagbibigay sa amin ng oportunidad na magawa ang ganitong uri ng proyekto.

Setyembre 05,2013, araw ng Biyernes. Ito ang nakatakdang araw upang kami ng aking mga kagrupo ay maglakbay patungo sa mga lugar kung saan kami nakatakdang pumunta. Alas singko na ng umaga ng ako ay gumising.

Sa totoo lang, wala pa ako sa kondisyon para bumangon dahil bukod sa inaantok pa ako, talagang nasanay na akong bumangon ng alas sais. Ngunit dahil napag-usapan namin ng aking mga kagrupo, kinakailangang makarating na ako sa takdang oras kung saan dapat bago ang alas siyete naroon na ang lahat. At ito na nga ang simula ng aming paglalakbay:

Unang Destinasyon: Marilao Catholic Church

Sa larawang ito makikita ang "facade" o mismong harap ng simbahan (kaliwang bahagi), ang "main door"(taas ng kanang bahagi) at ang "postigo" o maliit na pinto na kabilang sa main door ng simbahan (ibaba sa kanang bahagi).

Samantala, ang pangunahing rason kung bakit maaga kaming pumunta sa nasabing lugar ay upang maabutan pa namin itong bukas. At bunga ng pagiging maagap ay nakapasok kami sa mismong loob ng simbahan. At ilan sa aking nakunan ay ang mga sumusunod:

Dito ay makikita ang tinatawag na "aisle" ng simbahan (sa itaas) pati na rin ang magkabilang bahagi nito.

Ang larawan naman na nasa itaas ay ang tinatawag na "pew" o mas kilala bilang naghahabang upuan sa simbahan. Idagdag pa rito ang naglalakihang bintana ng simbahan (itaas ng kanang bahagi) na pinapalibutan ng animo'y higanteng bato pati na maliit na pintuan (ilalim ng kanang bahagi).

Sa larawang ito ay makikita ang dalawang kakaibang "langit-langitan" o ceiling ng simbahan(itaas) at sa ibabang bahagi naman ng larawan ay ang "altar mayor" ng simbahan.

Ang sumunod na larawan sa itaas ay ang "confessionario" ng simbahan kung saan maaaring gawin ang pangungumpisal.

Ang larawang ito ay ang "capilla" o mas kilala bilang "chapel" ng simbahan.

Ang larawan namang ito ay ang bahay ng pari.

At dahil sa may dalawa pang lugar kami na pupuntahan kami ay nagpicture-picture muna bago kami tuluyang umalis.

Ikalawang Lugar: Bahay na Bato ng mga Villarica

Habang kami ay naglalakad, ang aming kagrupo na sina Sheryl, Grace at Carla ay nakahanap ng bahay na bato na isa sa mga kailangan naming kuhaan ng larawan at ito nga ang bahay na bato ng mga Villarica. Akala namin noong una ay hindi kami papayagan ng mga taong nakatira doon ngunit dahil sa kanilang kabutihang loob ay pinayagan kami at binigyan ng pagkakataon upang kuhaan ng larawan ang bahagi ng nasabing bahay.





















Bagaman kami ay pinayagan ng mga nangangalaga sa bahay, hindi na ako gaanong kumuha ng mga litrato kaya ilan na lamang sa mga sumusunod ang aking maipapakita:

Ang larawan sa taas ay ang harapan ng bahay na bato.

Ito naman ay ang sala ng nasabing bahay.

Matapos ng aking mga kasama na kunan ang iba pang detalye sa bahay, kami ay nagsama samang muli para sa panibagong "group picture".

Ikatlong Destinasyon: Divine Mercy Shrine

Para sa huling tagpo ng aming paglalakbay ngayong araw ay nagtungo kami sa isa sa mga dinadayo ng ilan sa ating mga kababayan ang Divine Mercy Shrine sa Marilao Bulacan. Bukod kasi sa napaganda ng naturang lugar ay talagang mararamdaman mo ang kapayapaan sa lugar na ito. Isang malawak, luntiang kapaligiran ang iyong makikita. Kaya naman gaya ng pinutahan namin sa unang simbahan kanina ay hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na kumuha ng ilan sa mga bahagi ng nasabing lugar.

Ang larawang ito ay ang harapan ng Divine Mercy Shrine kabilang na ang "main door" at gilid ng simbahan.

Ang sumunod naman na larawan ay ang "aisle" ng simbahan kabilang na ang gilid nito.

Ito naman ang "altar mayor" ng Divine Mercy.

Ito naman ang "ceiling"o langit-langitan ng nasabing simbahan.

Dito naman ang tinatawag na "choir box" kung saan kumakanta 'yung mga grupo ng mang-aawit o choir sa simbahan.

Ang sumunod naman na larawan ay ang "pew" o yaong upuan para sa mga nagsisimba.









Samantala, narito naman ang "confession area" ng simbahan.









Sa likurang bahagi ng pinakasimbahan ay naroon ang "chapel" nito at pinangalanang Guadalupe Chapel.

Ito ay makikita sa loob ng Gudalupe Chapel. Hawig ito sa isang kweba ngunit sa bahaging ito karaniwang dumadagsa ang mga tao matapos makinig ng misa. Ito ay kilala sapagkat dito isinasagawa ang paghiling lalo na sa mga may karamdaman sapagkat naniniwala ang karamihan na ang bahaging ito ng Divine ay mahiwaga at tunay na nakapagpapagaling.

Ang Divine Mercy ay isang napakalawak na lugar kung kaya't nahahati sa dalawa pagdating sa pagsasagawa ng misa. At ang larawang nasa itaas ay ang panibaagong lugar kung saan ang misa ay maaari rin ganapin dito.

Ito naman ay isa sa mga bahagi ng simbahan na lubos kong nagustuhan dahil sa taglay nitong kagandahan na kung saan mararamdaman mo ang kapayapaan marahil dahil sa ayos nito. Bukod pa rito, ito rin ay may hawig sa mga "pew" o mga upuang nasa loob na mismo ng simbahan. At dahil nga dinadayo ito ng maraming tao kaya marahil nilikha ito para hindi kulangin sa upuan sa oras ng pakikinig sa misa.

Isang nakakagutom at nakakapagod ang araw na ito para sa lahat ngunit sa kabila ng aming naranasan, masasabing sulit pa rin at tunay kaming pinagpala dahil natapos namin ng matiwasay ang isang paglalakbay kasabay ng pag-aaral at talaga namang marami kaming natutunan.:)